Sunday, July 22, 2007

haha. waw. antagal na din mula nung huli akong nagpost. hehe. ok lang.

---------
bago nio muna basahin to, think of any two digit number first then post it on the tag board. just for fun lang. hehe. :)

----------

071807

huwaaaaaaaaaaaaaat?!?!?!

yang araw na yan ang pinakamalupet! na araw ko sa UP as of now. isipin mo ba nman almost 13+ hours ako sa UP nang araw na yan! pero masaya namn! dami kong mga bagong nakilala. hehe. ganito ung MGA nangyari nung araw na yan. (emphasized ung MGA kase andame talaga)

hmm. it was about 7.32 nung magalarm yung cellphone ko.(lagi namng ganyan ung alrm time ng phone ko eh). so ayun. e di the usual rituals na, kain, ligo, nood TV and the like.

so nung araw na yan, napagdesisyunan kong magtricycle papunta sa sakayan ng bus(kapag regular days kase naglalakad lang ako hanggang Biglang Awa at dun ako sumasakay ng bus). tapos lumusot ako sa Ever Grand Central para sa may 7-11 ako sasakay ng bus papuntang SM North. mga 8.21 siguro yun.

e di nasa SM north na ko, sumakay na ko ng jeep and about 9.17 nung dumating ako sa UP at bumaba sa may Kalayaan residence Hall(popularly known as "KALAI"). ayun.

kya ako pumunta sa kalay e para sumali sa UP Outdoor Challenge sponsored by the Christ's Youth in Action(CYA) at Sports Commission ng Kalai.(alam din ni chikk yung event). ayun. sa una eh di kagad ako nkapunta sa venue. sa Kalai Basketball court kase. dadaan ka sa loob ng kalay. e di namn ganun kakapal ang peys ko kaya tinext ko muna c kuya Jim kung pano pumunta dun. e di ayun. nagkita kami ni kuya jim sa entrance ng kalai. ayun. kasali na ko.

pagpasok sa loob, pinakilala ni kuya jim sakin sila John Michael at si Ate Joe(babae toh, baka magtaka kayo na Joe ung pangalan niya tapos ate?!?) si JM ay Civil Engineering freshman tapos si ate joe nman graduate ng CMC(nagstart xa sa Eng'g pero graduate ng MassComm, hanep ang formula noh?!) e di ayun nga. e di pinakilala din ako ni kuya jim sa iba pang members ng CYA, c kuya Ino, si ate Aimz, at marami pa. si kuya xavier din, head ng SportsComm ng Kalai. e di yun nga. nagstart na kame. yung una naming ginawa, ginawa na namin sa Philo class namin nung naginvyt yung CYA. so ayun. shake your hands then clasp them together. tapos ayon daw sa studies, kapag daw yung left thumb mo ay above the right sa pagkaclasp eh, naturally gifted ka daw with INTELLECT! aba, e di yung mga natira nagreact! "huwaat! so your saying na were not so smart?!?!" nagliparan yang mga reaction na yan. pero wait lang daw kami(kasama ako dun sa mga natira, hehehe /gg) so ami nman na natira, pinatayo. ayon daw sa studies, kpag right above left namn daw eh naturally gifted with.... (drum roll..) GOOD LOOKS!(hehe, it shows namn di ba?) anyways, e di ayun nga. pagkatapos nun nagpray kami at start na!

Pero bago nman nagstart para daw magkakilakilala kami. Una group according to the first letter of your name. so "J" na group ako. and consequently, kasama ko ulit sila john michael at ate joe. nakilala ko din si jona. sila jed, jad, jc, jl, je at iba pa(kung iniisp mo na john ung j sa je, jl, at jc. guess what! May Tama KA!) pagkatapos ng first letter, ung birthmonth nman daw. so January. ewan ko pero di ko maalala kung cno ung mga nakilala ko dito. pero may kabirthday din ako. 0117 din siya(Advanced hapi bday saten, whatever your name is.) then, group namn daw according to origin. Luzon, Visayas at Mindanao daw. e sa sobrang dami ng mga taga luzon, di na kami nagkakilala. so ayun. dhil magkakakilala na daw kame group na daw kame para sa game mismo.

bilangan daw. napunta ako sa group 3. and guess what! nandun din sila JM, ate joe at si Jona! what a coincidence! ewan ba namin pero bat magkakasma pa rin kame! so ayun. ung ibang grpmates namin cla jed, ernest, tasha, rommel, luigi at si Roanne(hindi to si ate roanne ng calsci ah). ayun. ung game e prang amazing race to that effect. may 5 stations daw tapos may requirements na dapat gawen.

ung mga stations, una sa Kalai muna. face paint your group with what symbolizes you. then, the dreaded eating challenge! ang mga kakainin at iinumin: raw egg, itlog na pula, saging, toyo, suka, 4 na pirasong di ko alam anfg tawag na tinapay at ang masalimuot na SILING LABUYO! e di ayun. kainan blues. bawal uminom hanggat hindi nalulunon. after sa kalay, derecho nman kami sa may lagoon! dun bubuuin dpat ung poster ng spidey 3. mejo nahuli kming natapos dun sa task na yun. tpos after that mlapit lang sa lagoon ung next task. Run with a paper plate between your knees ang drama. so ayun, huli ulit kami. then sa Quezon Hall ung next task. pass the string through your body ung gagawin. tapos xempre, excited kami, sigaw kami ng sigaw! "DOON! DYAN! SIGE! KONTI PA! ILUSOT MO LHAT BAGO MO ILIPAT!"hooooo! dahil dyan lagi kaming pinapagalitan ng mga guard. pagkatapos sa sunken namn ung next task. sa may stage. hihipan ung lalagyan ng harina hanggang lumabas ung coin. edi ihip! ihip! kami lahat. tapos tapos na. needless to say, huli pa din kami. so next and final task daw, balik sa kalai. e dahil nga huli nga kami, npagdesisyunan naming magjeep n lng. allowed nman kmi ng 1 ride eh. at ayun! huhu. nalagasan ako ng almost 40++ pesos. nanlibre kase ako eh. T_T so pagbalik sa kalai, shootign hoops namn. first to make 10 hoops gets a coin. so natapos nga kmi, tpos gagapang nman ung next. edi gapang gapang kami. ayun. feeling nmin tapos na. pero wag ka! may task pa nga plang sasagutan 2ngkol UP and of course, tulad ng lagi kong nasabi, huli pa din kami! pero ayos lang! may award pa din. the award? ang pinagpipitaganang "NEVER SAY DIE" award.(xempre alam nio na cguro kung bakit yan ang award namin noh!)

hehe. kahit super pagod at sakit ng katawan ang inabot ko jan, okey lang! super enjoy nman. to my groupmates, John Michael(galing mong mag shoot ng hoops pare! idol!), Jed(xenxa na kung sa kaliwa kita nlagyan ng face paint ah..), Ernest(nice leading pare!) , Rommel(nice meeting u), ate Joe and jona(salamat sa pagsagot nung sheet natin),Tasha(nice meeting u din), si Roanne(okey lang yun, hehe. ayos lang talga promise)at si Luigi(kamukha mo kse c barron na clsm8 ko sa arnis eh) . At dun din sa proctors namin, s kuya Ken(ops! secret lang yun ah! hehe.) at yung isang babae,di ko rin maalala yugn name.

that activity started from 10.17am and ended at about 12.13nn.

yan yung mga unang nngyre. actually, nung awarding na, katext ko nun si geri. ngtatanungan kami kung saan kami kakain. napagdesisyunan namin na sa Rodics na lang ulet. so kinain ko tapsi ulit at kay geri ay sinigang na baboy. nung kumakain kami, wla nmang maxadong nangyre. usap usap. tapos ung ulam ni geri eh puro gabi na mukhang laman. naalala ko tuloy s Doktora ng CalSci. pano kase d ba! basta alam nio na yun.

pagkatapos naming kumain, dumerecho na kami sa math bldg. we have our exam kase on Math 14. and ayun nga. mejo maaga kami na dumating dun sa rum. e di pumunta mna kami sa canteen ng MB pra magbasa bsa ng konti. eh etong c geri may gad! super paranoid sa exam! ilang minutes n lng exam na nagaaral pa. e di ayun. the test. 1 1/2 hrs ang lumipas. ayun! after that BLOODY 1 1/2 hrs, natapos ako. and, NOSEBLEED.

ayun. buti na lang kamo, air con ung room kung san kami nagtest. paconsuelo n lng ung lamig. hehe. after nung exam,mga 4.42, Im really frustrated! umabot pa yun hanggang sa meeting ng group ko sa Comm3. meeting namin kse reporting n nmin sa Tuesday(ewan ko ah, pero prang super mega ultimate preparation kami) ayun. ung groupmates ko na nandun na sa AS lobby, sila russel at Audrey pa lang. si audrey nagpaalam na aalis ng 5 kse manonood ng Ora pronobis(di ko lam ung spelling nung movie eh). after nyang umalis dumating c kuya Ryan, este Ryan lang pla(ayaw nia kase patawag na kuya eh) ayun, usap usap ng konti. ayun. hindi dumating c camille at si ramon, anung petsa na nung dumating! pero natrapik daw kase xa. pagkaratng ni ramon, nag aya c ryan na manood ng TRANSFORMERS sa laptop nia. take note! hindi yung movie pero yung series na napapanood ko sa channel 5 dati. anlinaw hanep yung copy. naalala ko pa nung pinapanood ko yun sa channel 5 eh. naalala ko din na si bumblebee ay isang Beetle(ewan ko kung Porsche o kung anung kind ng kotse eh) at si megatron ay isang baril at hindi isang alien jet wannabe!

e di ayun nga. after na dumating ulit c audrey, nag aya kming magkainan. di rin nkapanood c audrey ng ora dahil sold out daw ung tickets. e di sabi nmin, "san kya masarap kumain?" sabi ko tanungin natin c ryan kse mtagal n xa d2( c ryan ay isang senior student ng Fine arts pero khit anung isip ko, di tlga xa mukhang senior at eto pa! sabi nia magni-nineteen pa lang daw xa ngaung july! HUWAAAAAAAAAAT! e ako nga magdi-disiotso, freshman!!!!) so ayun. dinala nia kami sa LUTONG BAHAY na ang katapat na tindahan ay may pangalang LUTONG KAPITBAHAY (ewan ko n lng ah pero sa tignin ko magkaaway tong 2 eating places na toh. ikaw, anu sa tingin mo?) anyways, e di ayun nga. nkarating kami sa lugar. sabi ni ryan, dun daw ung the BEST Shake in UPD. and its proven! masarap nga. prang shake sa Zagu pero Php 20 lang.(pero xempre, di rin nman un grande, regular lang) at tulad ng nangyari nung maaga pa, something came out of my mouth, "tara, anu gusto nio? libre ko kau." huwaaaaaaaat! nanlibre n nman ako! ewan ko ba kung bakit.(pero malamng gnyan ako nun kase dala ko ung pera ko, abt 1k yun nung araw n un. kya kung papalibre kau sakin, isakto nio na dala ko ung pera ko at mas malaki ang tsansa na malibre ko nga kau!)

so kumain kami. on the way nga pla papuntang lutong bahay, nkasalubong nmin si Kristel, isa ring clasmate sa Comm3. kya napasama xa samin na kumain. pero 2 lang nman kami na kumain sa place. the food is good and for just Php 62, may ulam at kanin ka na, may shake ka pang the best! so ayun, kumain kami,a nd at about 6.43, nagdecide na kaming bumalik sa AS pra sa play na THE PASSION OF THE CHRIST. required kaming manood nun sa class namin sa comm3.

e di carefree kaming maglakad pabalik khit alam namin na malelate na kami sa play(nkalagay kse sa tiket na dpat 30 mins b4 call time nsa labas na kami ng WMG Theater pero 15 mins to go n lang, kumakain pa kame!). e di ayun nga. pag dating namin wala nang tao. yun pla, pinapasok na sila. e di super rush kami sa pagpapavalidate ng tickets namin. so after validation, pumasok kami. may about 3 rows of chairs sa bandang kaliwa ng stage. sa bandang harap, nakaupo na sila James at Ken, classmates din sa comm3. e di pinalipat namin sila sa row namin. hehe. e di ayun nga. so, 2 rows of chairs kami mga magkakagrp including kristel, ken and james. so mga 7.25 na yun nung magstart.

so the play. the play is based on the Wakefield Mystery Plays. DIrected by Tony Mabesa and starring Romnick Sarmienta(wow hanep! artista!) so ayun. the play lasted for about 1hr, 42mins and some 57 sec with a 10 minute interval from 1.18.26.(oo! eksakto yan! tinemeran ko yan sa cp ko, kahit bwal magbukas ng cp sa loob ng theater. Sori na DUP). so ayun. dun sa 10 minute break, nagcr kami sa mya uhh, right wing ng AS(kung nasa labas ka at nkharap ka sa AS Steps). nagkakatakutan p nga kami eh. so ayun. after magcr, bumalik n kmi sa theater. pagkabalik, lumabas din ako ulit kse ang init(ewan ko ba pero during the play, dun sa place namin, umiinit tapos lumalamig ulit. init, lamig, init, lamig. ewan ko ah. WMG theater? creepy.) ayun, lumabas nga ako. at pagkalabas ko, nakita ko ulit c John Michael, kumakain ng hotdog(nagkita din kami earlier before the play at nabanggit nia sakin na required din xang manood ng Passion). so tinanong ko xa, "hows the play so far?" sabi nia nkakagutom daw, kya kumakain nga siya. so ayun, usap usap ng konti tapos pumasok na din kami. pagbalik namin nagstart na pla. so ayun. yung natirang about 22mins na last part resumed. well actually, yung play, mejo boring. kasi, english ung natapat samin kse kung tagalog un mlamang mas naintindihan ko ung play. saka dun sa final 22minutes-or-so part ng play, ang ingay namin. panu b nman kase tong c james, napansin pa na yung isang angel(di ko sasabihin kung sa kanan o sa kaliwa) eh nasira ata yung costume. kya prang may butas dun sa dibdib at mejo kita pa ung "flesh"(ill use euphimism n lng ha.) napansin pa nia yun tapos tawa xa ng tawa sa likod nmin kya nsali n rin kmi. ang linaw ng mata! and take note! madilim sa theater ah at nakita pa nia yun. so ayun nga. natapos yung play at about 9.47 pm.

so xempre, gabi na(alangan nmang umaga!) xempre ulit, mahirap nang maghintay ng jeep. so xempre sa khihintay, naglakadlakad kami. as kalalakad na yun, nahatid na pala nmin sila kristel at james sa kalai. at napasabay sa amin si Laura(another Comm3 clasm8). so ayun. for about 20-30 minutes or so, naghintay kami ng jeep. Kami being Ryan, Ramon, Russel, Laura at ako. so ayun nga. naghintay kami ng jeep na SM north. e ang tagal. e di hintay kami. may isang dumaan at wag ka! we were caught off guard! di nmin napansin! so ayun, kulang n lng habulin nmin yugn jeep. so hintay ulit. sa paghihintay namin, kwento kwento kami. HS lyf(i miss u guyz! huhu..) at iba pa! eh etong c ramon super active! nagsasayaw! lhat! mula sa Dora dance steps(Dora the explorer style kasi yung report namin sa tuesday! wish us luck guys!) at sabi nia, nung senior daw sia, kasama xa sa cotillion kaya inaya pa niya si russel na magsayaw! waw!(kya daw pala xa ganun eh to put off away yung kaba na nararamdaman nya. panu kase tga obando, bulacan pa xa at 10.07 nasa Diliman, QC pa xa! o d ba? kamusta nman yun!)hehe. so ayun. sa kabutihang palad namn nakasakay nman kami ng jeep. kya lang Philcoa lang. ako, c ramon at c laura, bumaba na sa shell at dun na naghinty ng jeep at bus. ayun. mga 10.18 na yun.

sa shell, di nman kami mxadong matagal nghintay ng bus at jeep. si laura kase, magbubus pa route is Baclaran tapos sabi namin iintyin muna nmin xang mkasakay bago kami sumakay. so yun. may dumaan na bus na baclaran. eh nilampasan kame, e di sabay sabay pa kaming sumigaw, "BACLARAN!!!" buti n lng eh narinig kmi nung kunduktor(ikaw ba nmn d mo marrnig yung tatlong taong sumisgaw ng ruta ng bus niyo, d ba! pero kung di mo yun maririnig, bingi ka!) so nkasakay n nga c laura at after just a few minutes nkkita din kmi ng SM North na jeep. so sumakay na kami.

pagkasakay nmin ng jeep(ako at c ramon n lng ang mgkasama) were too tired to talk na. pero ayun pa rin. so nkrating nman kami ng maaus sa SM. mga 10.35 na yun at c ramon, todo wish at dasal na sana may FX pa patungong Obando. at sa kabutihang palad, meron pa nga(ewan ko lang ah pero ang lakas daw tlaga ng wishing powers niya!) hehe. so ngkahiwalay na kmi. ako nman, nkasakay agad ng bus at madali nmang nkarating sa aking patutunguhan. so ayun, by10.48 naglalakad na ako pauwi (mabilis lang nman ang SM North - BIglang awa route pag ganung oras dahil wala ng traffic) at by 10.55 im home sweet home na! whew! what a day! grabe! super pagod ako nyang araw na yan!

pero just before i sleep, naisip ko, "mauulit ko pa kya tong ganitong super hectic sked?" hehe. of course, ang sagot ay hinde! hehe. pero kung ttanungin nio ko kung uulitin ko tong araw na to? uu nman! kasama sa buhay college yan eh! at cgurado ako, may mas hectic pang sked ang mararanasan ko.(anu yun?!?! 24 hrs sa UP?!?! ewan malay natin... scary..... hehehe...)

071807? memorable, very memorable

:3

No comments:

Post a Comment