haha. walang lumalabas na title sa blog ko. ewan ko ba kung bakit! basta! bahala na!
--------------------------
its been like, 3 or so weeks after classes started. and now. Its like WHOA! What a big world!
haha. University of the Philippines. Founded 1908 and still running. Its like a 400++ hectare lot with many buildings and infrastructures. Currently, its home to the activists of all activists! Really. If you were at the UniversityTheater(Villamor Hall) last June 12, during the afternoon FOP, you know what I'm talking about. And one more thing, its the Premier State University of the Republic of the Philippines.
Well, so much for the introduction. but being an Isko(for those who doesn't know, eto ang tawag sa mga nagaaral sa UP... pero teka, sino bang hindi nakakaalam!?!?!) really is a big package of everything you can think of. This is where i experienced some things i never experienced yet. Those things? Like the following:
UNO: magkaroon ng OFFICIAL cheer na im proud to shout out! (bka sabhin nio na wlang cheer ang CalSci ah. meron nman kya lang wla pang official :p) Basta! i liked the cheers presented to us by teh UP Pep Squad! Especially the one that goes like this:
"Isigaw ng sabay sabay ang ating pagbaybay! U Na I Ba E Ra Sa I Da A Da Na Ga Pa I La I Pa I Na A Sa! (2x) UNIBERSIDAD NG PILIPINAS! ....."
mahaba pa yan! hehe. pero i dont know. I just like it. :0
DUE: maglakad ng hindi nman kalayuan ng paulit ulit(pero kung isa ka sa mga mapapalad na nabiyayaan ng 2 magkasunod na klase sa 2 lugar na nasa magkabilang dulo ng UP campus? wag kang magalala! may karamay ka!) basta! ganun. lakarin mo ba nman ang Villamor Hall going to Palma Hall, este, AS pala! (pag daw kase Palma Hall ang tawag mo sa palma hall at hindi AS eh, halata kang freshie!) ng tatlong beses (3x) ng pabalik balik eh, kamusta k namn!
TRE: makasakay sa IKOT at TOKI jeep! sa ngayon im very thankful sa TOKI jeep. kse, isipin mo n lng, ang distansya ng Vanguard mula sa Math Building, kahit ba may tatlumpung minuto kang pagitan eh. hindi pa rin sapat!(kung maglalakad ka, pero ako? haha, NEVER!) haha!
QUATTRO: magkaroon ng mga teachers/instructors na kakagraduate pa lang last year! basta ganun! ang galing kse ng ganun eh. alam pa nila ang sentimyento ng mga estudyante dahil kagagaling lang nila dun. and to think na magkaroon ka ng teacher na galing sa same Alma Mater mo? pang! ang swerte mo! pero xempre, wa comment ung teacher ko na un tungkol sa Alma Mater thing. Kase namn di ba. baka simulan pa ng kung anu anung mga ispekulasyon eh.
CINQUE: magkaroon ng new set of classmates every class! dito ko lagn naranasan yun! hehe. yan tuloy. hirap makaalala. tapos pag nagkasalubong kau, iisipin mo pa kung san mo xa classmate. basta ganun! hehe.
SEI: makakilala ng mga tao ng kilala ka pero hindi mo kilala. may ganito akong nakilala eh. sabi nia, prang nakita na nya daw ako. tapos tinanong ko sya kung san xa grumaduate. sa city of mandaluyong Science HS daw. eh anak ng piniritong tokwa! nung 2nd yr pa ko huling nagpunta dun eh. akalain mo nakilala nia ako. at sabi pa niya "di ba sumali ka sa contest nun sa bio? nanalo ka pa nga eh" haha. aun. bilib na tlaga ako sa mga taong may malalakas na memorya! POWER!
haha! basta sa ngaun, yan ung mga first timer ako! lalu na sa UP pa! hehe. I know that many more things will come my way in this 400++ hectare piece of land. i know that its just the beginning. and based from what ive just said, im sure that the next years to come, will be ONE HELL OF A TRIP! and ill bet my life on it!
:)
--------------------
malamang may mga salita jan na hindi mo maintindihan. wag kang magalala. malalaman mo rin kung anu yang mga yan(maliban n lng kung ikaw c geri dahil alam ko na alam na alam nia yang mga yan).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment